Proyekto sa Filipino 2 - Lakwatsaklat

GRUPONG PUNO:
 
Mga Miyembro: Atreu Renu Carillo
                       Trisha Cheng
                       Paul Kenneth De Jesus
                       Kim Del Rosario
                       Diane Jewelyn Garcia
                       Kevin Pangilinan


Ang pagbabasa ay maihahalintulad natin sa paglaki ng isang PUNO dahil tulad nito, ang pagbabasa ay maraming maibubunga. Ang proseso ng pagbabasa ay nagsisimula sa ugat, ganito rin ang proseso ng pagsalin ng sustansya na nanggagaling sa lupa at kung sa pagbabasa, ang lupa ay ang materyales na nagbibigay ng impormasyon. Sunod naman dito ay ang pagdaloy ng impormasyon mula sa ugat patungo sa tangkay. Ang tangkay ng puno ay nagsisilbing utak at isipan ng mambabasa kung saan naipon ang lahat ng nalaman niya. Ang bunga naman ang siyang kalalabasan ng mga ideya na nanggagaling sa ugat na dumaloy sa tangkay. 


(Bago naming maipahayag kung ano ang aming sasabihin tungkol sa napili naming aklatan, pagpaumanhin ninyo po dahil ang napili naming establisyemento ay isa sa mga hindi dapat isamang aklatan dahil may napili na po kaming establisyemento na ayaw magpanayam sa amin at may mga napili rin po kaming silid-aklatan kaso hindi namin po naabutan dahil Christmas party nila. Muli ay pagpaumanhin po.)





MERRIAM-WEBSTER BOOKSTORE (Morayta (Nicanor Reyes Sr. Ave) Branch)





Nakapanayam po namin si Mrs. Estelita Gepalaga, isa siyang Supervisor ng M-W Bookstore at mahigit 10 years siyang nagtatrabaho dito bilang isang supervisor.



Sinabi niya na ang Merriam-Webster Bookstore ay ginawa ni G. Louie Sy Kheyu noong 1960, na una, nagsimula sa maliit na family business sa may C.M. Recto street. Hindi lang pagbebenta ng mga libro ang kanilang ginagawa, kung hindi ang bookbinding, folding at trade-in ng second-hand books. Magmula noon ay nagbukas din sila ng pangalawang branch na ngayon ay Main Branch ng Merriam-Webster Bookstore sa may Nicanor Reyes Sr. Avenue. Lumipas ng ilang taon ay padami nang padami ang mga nagsisibukasang M-W branch lalung-lalo na ang kanilang Publishing House. Mula noon, ang Family Business ng isang aklatan ay naging korporasyon.








Mga estudyante (elementarya hanggang kolehiyo), mga book-lovers at kalimitan mga taong nagtatrabaho (professionals) ang kanilang target sa kanilang establisyemento. Dahil marami sa atin ay mga book-lovers, ito ang kanilang inspirasyon kaya dumami ang kanilang inilimbag na mga libro at mga branch na kanilang itinayo. 




"Hindi mabilang na mga mamimili at mga mambabasa araw-araw dahil sa laki ng aming establisyemento.." sabi ni Gng. Gepalaga. "..mahigit 500+ ang mga librong pangkolehiyo kagaya ng mga Reviewers , mga librong pang-inhinyeriya, pang-narsing, pang-midwifery at iba pang mga libro at mahigit 300+ ang mga librong panghayskul at pangpropesyonal hindi pa kasama doon ang mga librong pambata tulad ng mga fables, fairy tales at iba pang mga fiction books." 

Kaya ang mga Pilipino ay angat sa ganitong pagpapalimbag ng mga libro at iba pang gawain nagpapangat sa establisyemento. Ano kaya ang kanilang susi sa pag-angat nito? Ayon kay Gng. Gepalaga, marami silang gamit upang makalikom ng mga maraming impormasyon. Ang mga gamit na iyon ay hindi literal na GAMIT kung hindi mga kahalagahan sa pagpapa-angat ng establisyemento tulad ng paglikom ng impormasyon, brainstorming, inquiries, obserbasyon, surveying at analytical thinking. Hindi lang iyan, meron pa! May ginagamit silang diyagram na sanhi at bunga o sa kanila tinatawag na fishbone diagram. Ang maganda sa diyagram na ito ay nagpapakita kung ano ang sanhi na maaaring mangyari sa kanilang establisyemento at ang epekto nito. Nagagamit ito sa mga sitwasyon na maliliit na datos. Kailangan ang isang grupo ang mamimili ng problema na napakaimportante upang makita nila ang mga issues sa likod ng problema ng establisyemento. At saka nila masisigurado ang kahusayan ng nasabing establisyemento. Iyan ang kanilang susi sa pagpupundar ng kanilang establisyemento.



Una sa lahat, maraming salamat kay Gng. Gepalaga na binigyan kami ng oras sa pagpapanayam. Kaya kayo mga mahihilig sa pagpupundar ng kanilang negosyo pagdating sa pagbebenta ng libro at pagpapalimbag ng libro. ABA!, mabuti pa't magkaroon muna kayo ng inspirasyon tulad ng Merriam Webster Bookstore na nagsimula sa family business, ngayon pangkorporasyon na ang establisyemento. At maghanap ng istratehiya sa pagpupundar ng establisyemento. 




Ang Inyong Lingkod... GROUP 6 - Grupong Puno




0 comments: